6.15.2007

My gratitude for Tekla for her unconditional support in modifying my page.

Alam ko na sa iba ay nagpapabayad ka…subalit sa akin ay ‘di mo magawang maningil dahil alam mo na hindi rin kita babayaran maski na bigyan mo pa ako ng bill. Don’t worry, isang araw ay makakabayad din ako ng utang na loob sa’yo sa pamamagitan ang aking maliliit na pamamaraan, nawa ay mahintay mo pa ang araw na iyon ng sa ganon ay matikman mo ang bunga ng iyong pawis at pagpupunyagi.

Saan mang sulok ko tantiyahin ay masasabi ko na ang lahat ng aking nakamtan sa larangan ng pagpindot at pamamayagpag ay nagbuhat sa iyong walang sawang pagsuporta.

Inaasahan ko na sa dako pa roon ay magiging matiwasay ang ating samahan.

Humayo ka Tekla! Basbasan ka nawa ng Panginoong Lumikha ng kaluwalhatian at kadakilan!

No comments: